Abante Tonite Interactive

Tulak sa Bulacan patay sa engkuwentro

By
158

Nanlaban sa mga awtoridad kaya napatay ang isang batikang pusher nang matunugang pulis ang kanyang katransaksyon sa bilihan ng shabu sa madilim na bahagi ng Barangay Muzon, San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Supt. Orlando Castil Jr., SJDM City police chief, nakilala lamang sa alyas ‘Tatang’ ang napatay na tulak na namatay noon din bunga ng mga tama ng bala sa kanyang katawan. Narekober sa kanya ang isang kalibre 38 rebolber na kargado pa ng dalawang bala at 11 pakete ng shabu.

Dakong alas-11:00 ng gabi noong Sabado nang maglatag ng buy-bust operation ang pulisya sa Barangay Muzon, ngunit kaagad na nakatunog ang suspek na pulis ang poseur buyer kaya’t bumunot ito ng baril at nagpaputok saka sinubukang tumakas sa madamong bahagi ng nasabing lugar.

Abante Hiring – IT dep

Dito na nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa mapatay ang suspek. Nito lamang Biyernes, dakong alas-11:35 ng gabi ay napatay naman ang dalawa pang tulak sa loob ng isang bahay sa Barangay Lawang Pare, matapos ding kumasa sa inilatag na anti-illegal drugs operation.