Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak sa Oriental Mindoro nabitag

0 37

Himas-rehas ang isang hinihinalang drug pusher matapos mahuli sa isang buy-bust operation kahapon sa Bongabong, Oriental Mindoro.

Kinilala ang suspek na si Pablito Aguilar, 50-anyos.

Ayon sa ulat, isang poseur buyer ang nakabili sa suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalagang

P1,000 sa Barangay San Isidro.

Bunsod nito’y agad na kumilos ang pulisya at dinampot si Pablito.

Nakuha mula kay Aguilar ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P4,760.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave A Reply

Your email address will not be published.