Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak swak sa Facebook post

0 92

Arestado ang isang pest control helper makaraang kumagat sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya matapos hikayatin umano ang mga Facebook netizen na bumili ng damo sa kanyang inuupahang bahay sa Barangay Pitpitan, Bulakan, Bulacan kamakalawa.

Base sa report kay P/Col. Manuel Lukban Jr. ng Bulacan PNP, nakilala ang nadakip na si Melvin Solomon, alyas ‘Buloy’, tubong Tinajeros, Malabon City at nangungupahan sa Barangay Pitpitan, Bulakan na nakakulong ngayon matapos makumpiskahan ng tatlong pakete ng ‘damo’ at buy-bust money.

Nabatid na pasado alas-11:00 kamakalawa ng tanghali nang maglatag ang SDEU ng Bulakan MPS ng buy-bust operation laban sa suspek matapos may nagbigay ng impormasyon sa awtoridad na naka-post sa Facebook ang paggamit nito ng ‘damo’ at pagbebenta ng droga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, isang undercover policeman ang nakipagtransaksiyon kay Solomon kaya nadakip ang huli matapos ang buy-bust kung saan nakumpirmang nangungupahan lang ito sa lugar dahil sa kanyang trabaho ngunit ginawa nitong sideline ang pagbebenta ng ‘damo’.

Hindi naman alam ng suspek kung sino sa kanyang tropa ang nag-post sa Facebook ng ilegal na gawain at itinanggi nitong siya ang nag-upload sa social media ng nasabing gawain. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.