Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak timbog sa text message

0 124

Arestado ang isang lalaki na itinuturing na high-value target drug personality sa Kidapawan City dahil sa tip na idinaan sa text message sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa.

Sinabi ni PDEA Region 12 Director Naravy Duquiatan na nagpadala ang isang concerned citizen ng text message sa “Isumbong Mo Kay Wilkins” (IMKW) platform, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Juric Batooy, 31, isang construction worker.

Nasakote umano ang suspek sa isinagawang operasyon sa bahay nito sa Brgy. Poblacion, Kidapawan City noong Biyernes, Oktubre 15.

Ayon sa ulat, si Batooy ay nagsisilbing volunteer umano sa pagpapatupad ng mga quarantine protocol sa kanilang lugar. Hindi na ito pumalag ng isyuhan ng warrant of arrest.

Target din umano ng operasyon ang live-in partner ng suspek na si Christine Joy subalit wala ito sa bahay ng mangyari ang pag-aresto.

Sinabi ni Duquiatan na noong buwan ng Pebrero pa ngayong taon isinailalim sa masusing surveillance ang magka-live in.

Nahulihan umano ang suspek ng 13 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P10,000 ang kabuuang halaga. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.