Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak tinumba kayakap ang mag-ina

0 80

Patay ang isang 41-anyos na lalaki matapos na hindi makapag-remit ng umano’y benta sa shabu, kamakalawa ng umaga sa Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Dennis Hizon, residente ng Mariano St., Maypajo, Caloocan City na nasawi dahil sa tama ng bala sa likod.

Habang inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na nakasuot ng bonnet at face mask, at sinasabing naniningil ng pang-remit sa ibinenta umano ng biktima na iligal na droga.

Ayon sa imbestigasyon ni P/SMS. Joseph Kabigting, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente sa loob ng isang nademolis na shanty, alas-6:30, Martes ng umaga, sa may Pilar St., Tondo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pumasok umano ang biktima sa loob ng bahay kasama ang asawa at anak pero sinundan sila ng suspek at narinig pa na nagsalita ito ng, “Pare, ‘asan ang pang-remit mo?”

Kasunod nito, niyakap umano ni Hizon ang asawa at anak para mailayo sa panganib at narinig pa na sumagot ito ng, “Pare.”

Maya-maya pa ay nakarinig na ng putok at nakita na ang suspek na nagmamadaling tumakas.

Ayon sa impormasyong nakuha sa lugar, dati umanong residente sa lugar si Hizon, at magbuhat umanong mademolis ang mga kabahayan ay isa siya sa mga lumipat sa ibang lugar pero nagpatuloy pa rin umano itong magbenta ng droga. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.