Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak tumba, 9 pa tiklo sa Bulacan

0 177

Patay ang isang tulak ng iligal na droga, habang siyam namana ang arestado sa ginawang mga buy-bust sa Bulacan kamakalawa.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang nasawing si Roberto Paco, 24, ng Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte City. Alas-nuebe Biyernes ng gabi nang ikasa ang operasyon laban kay Paco sa Sitio Dumayat, Brgy. Cutcot, Pulilan. Nakatunog umano ito na undercover agent ang binentahan ng shabu kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang awtoridad na nauwi sa engkuwentro at mapatay ang suspek.

Nakatakas ang kanyang hindi nakilalang kasamahan lulan ng motorsiklo patungong bayan ng Calumpit. Nakuha kay Paco ang isang caliber 38 revolver na kargado pa ng tatlong bala, isang berdeng coin purse na may lamang 30 pakete ng shabu, isang digital weighing scale, P500 marked money, driver’s license at ATM card ng napatay na suspek.

Samantala, kinilala naman nina ang mga naarestong sina Gerry Papal, 38; Gereneo Mariano, 50; David Landayan, 21;Reuel Catacuta, 30; Oliver Dela Cruz, 33; Daryl Estrella, 35; Peter Bernardo, 48; Wilfredo Guirnaldo, 39; at Reynaldo Dela Torre y Dela Cruz Tambo, 34. Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.