Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulak umakting na pulis, dedo

0 96

Patay ang isang notoryosong drug pusher, na nagpapakilala diumanong pulis sa buy-bust operation sa Barangay Camanacsacan, San Jose City, Nueva Ecija Martes ng madaling-araw.

Sa ulat ni Police Lt. Colonel Heryl Bruno, nakilala ang nasawing si Joel Quibuyen Tubera alyas ‘Kano’, residente ng Brgy. Sinipit Bubon, San Jose City, Nueva Ecija.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ala-1:20 nang magsagawa ng operasyon laban sa salarin at isang kasamahan nito. Nang makaiskor na ang poseur buyer ng droga kay Tubera at hindi tukoy na kasama nito, nabatid umano nilang mga awtoridad ang katransaksyon.

Dito na bumunot ng baril si Tubera at pinaputukan ang mga operatiba na gumanti naman ng putok at tinamaan ang suspek na dahilan ng agaran nitong pagkamatay. Gayunman, nakatakas umano ang kasama nito sakay ng motorsiklo.

Nakuha sa lugar ang .38 kalibre na revolver, 15 sachet ng shabu, at anim na pack ng marijuana na tinatayang naghahalahaga ng P160,000. Narekober din ng mga awtoridad ang mga identification card na makikitang nakasuot ng police uniform ang suspek. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.