Abante Tonite Interactive

Tularan si Isko – civic leader

580

Hinangaan ng isang kilalang civic leader ang ginawa ni Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pagpapakumbaba at pagbisita sa mga nakalaban niyang kandidato sa katatapos na midterm elections.

Matatandaang nakipagkita si Mayor-elect Isko kina outgoin­g Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada at dating Mayor Alfredo Lim sa hanga­ring maipakita ang pagkakaisa ng mga Manilen­yo.

Para kay Don Bagatsing, ang ganitong uri ng lider ang dapat na pamarisan dahil nagpapakita ng magandang ehemplo sa mga mamamayan.

“The act of reaching out to Erap and Lim is magnanimous and noble. This should serve as a guide to All of us Manileños who Love the City to unite and Set aside differences for the sake of the City,” paha­yag pa ni Bagatsing.

Maging si incoming 4th District Councilor DJ Bagatsing ay sang-ayon sa ginawa ni Ma­yor Isko at nagsabing dapat na maging huwaran sa barangay at sa kabataan ang ginawa ni Isko.

“We should emulate him, sa dumi ng pulitika ngayon, bilib kami sa ginawa ni mayor Isko,” ani DJ.

Matatandaang una nang binisita ni Isko sina Estrada at Lim sa layuning makipagkaisa at makipagtulungan sa mga ito, para sa kapa­kanan ng mga Manilenyo.