Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulay sa Davao gumuho, 1 todas

0 173

Isa ang patay habang isa rin ang sugatan matapos na bumagsak ang Ebreo Bridge sa Tres De Mayo, Digos City, Davao del Sur.

Kinilala ni Digos City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Edgar Timtim ang nasawi na si Joyco Failma, 30-anyos na taga- Upper Panuntungan, Tibungco, Davao City.

Sugatan naman si Dexter Orapa, 37-anyos at taga-Santo Rosario, Digos City. Agad siyang dinala sa ospital at nilalapatan ng lunas.

Base sa inisyal na ulat, luma na ang nasabing tulay na plano na sanang ipa-demolish para bigyang daan ang paggawa ng bago.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.