Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulfo kay Aguirre: Sinungaling, bobo!

0 126

Nagpalitan ng insultuhan sina dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at kolumnistang si Ramon Tulfo sa pagpagpapatuloy na pagdinig ng Senado sa ‘pastillas’ scheme sa Bureau of Immigraiton.

Ito ang unang beses na dumalo si Aguirre sa pagdinig ng Senate committee on Women, Chidlren, Family Relations matapos siyang akusahan ni Tulfo noon na protektor diumano ng Chinese-linked syndicate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Not an iota of evidence was presented linking me to the ‘pastillas scheme,” pahayag ni Aguirre sa kanyang opening statement sa komite na pinamumunan ni Senadora Risa Hontiveros.

“He made them (Bureau of Immigration) appear as lame ducks because of me. even if I have been out of government office in the past 2 years,” dagdag pa nito.

Habang pinapakita ni Tulfo ang litrato ng ilan sa mga kaibigan ni Aguirre habang nakasakay sa helicopter matapos umanong mag-deliver ng suhol sa kanyang resort sa Mulanay, Quezon, sinabi nitong hindi nangangahulugan iyon na sangkot siya sa sindikato.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Bakit hindi mo pinag-affidavit ‘yung lahat ng nag-supply sa iyo [ng pictures]? Nasan ang isang testigo mo na magpapatotoo na may pera ‘yang dinadala?” tanong ni Aguirre kay Tulfo.

Inakusahan naman ni Tulfo ang dating Justice secretary na pagsisinungaling.

Ayon pa kay Tulfo, kaya umano tinanggal ni Pangulong Duterte sa kanyang gabinete ay dahil sa kabobohan ng dating kalihim.

“Madame chair, sinungaling ‘yan (Aguirre). That’s it. Kaya nga siguro inalis ni Pangulong Digong ‘yan dahil bobo ‘yan,” sabi ng koluminista.

Pero giit ni Aguirre: “Hindi po ako inalis, I resigned”. Hindi naman nito pinaliwanag kung bakit siya nagbitiw sa puwesto. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.