Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulfo-Revillame partner sa 2022 election

0 358

Baka sina Raffy Tulfo at Willie Revillame na ang sagot sa grabeng graft and corruption at sa mga hinaing ng mga mamamayan, ayon sa showbiz writer na si Lolit Solis.

Bali-balitang unbeatable daw ang dalawa kapag tumakbong presidential at vice president candidate, at kinakausap na raw para rito.

Si Tulfo ang president habang si Revillame ang vice president.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Naku , narinig mo ba na ang malakas sa mga survey for presidential at vice president candidates ay sila Raffy Tulfo at Willie Revillame? At ang sabi pa, sila ang unbeatable pag tumakbo kaya nga heto at umaandar na mga balita na kinakausap na ang dalawa para mag-run for office,” tsika ni Solis sa kanyang Instagram post.

“Nag wild ang imagination ko, kung sakali kaya na maging President Raffy Tulfo at Vice President Willie Revillame na ang ating mga leader, maging maganda na kaya takbo ng Pilipinas? Maging maayos na kaya mga problema, at matutulungan na kaya lahat ng mahirap, may sakit, at hindi makapag aral ? Maiba na kaya takbo natin dahil hindi na mga datihan pulitiko ang naka upo?” dagdag niya.

Patuloy pa niya, “Who knows di bah, baka naman hindi natin alam na iyon hinahanap natin Lee Kuan Yew nasa katauhan pala nila Raffy at Willie. Nobody knows di bah? Like malay ba natin kung naiba ang takbo kung si Fernando Poe Jr., ang naging president. Hindi akalain ng taga Ormoc na magiging good mayor si Richard Gomez but he was doing a very good job sa Ormoc, si Vilma Santos Recto turns out to be a good working politician.

“Kung sa ngayon malapit na sa mga mahirap sila Raffy at Willie, baka naman sila na nga ang sagot sa grabeng graft and corruption, sa mga hinaing ng mga mamamayan. Let us try, let us wait, baka naman iyon nakita ng mga isinali sa survey hindi nakita nuon iba , kaya masaya ito pag natuloy, 2022, iboto , Wanted Itutok to Win, Papa Raffy , Kuya Willie, laban na, bigyan ng jacket iyan.” (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.