Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulfo tutol sa P5K ni Janella

0 908

NI:VINIA VIVAR

Matapos mag-release ng statement si Janella Salvador hinggil sa reklamo at paniningil ng utang ng kanyang dating personal assistant, muling ininterbyu ni Raffy Tulfo ang PA at nilinaw ang tungkol sa naging pahayag ng aktres tungkol sa sweldo.

Ayon kasi sa PA na si Michelle Pelongco sa una niyang pagdulog sa prograng Raffy Tulfo in action, tumatanggap lang siya ng P8,000 monthly bilang sweldo kay Janella at ayon kay Raffy ay maliit daw ito.

Sa kanyang Instagram story ay ipinost ni Janella ang isang news item na nagsasabing ang minimum wage para sa isang kasambahay ay P5,000 monthly as per Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Raffy ay wage ito para kasambahay pero si Michelle ay naging PA na nga mula sa pagiging kasambahay ni Janella.

Related Posts

Kaya naman ininterbyu ulit ni Raffy si Michele at nilinaw kung ano ba talaga ang trabaho nito. Ayon naman sa babae, dati nga raw siyang kasambahay ni Janella pero nang umalis ang PA nito ay siya ang ipinalit.

Bilang kasambahay ay P7,000 ang kanyang sweldo at dinagdagan na lang siya ng P1,000 after more than a year of being PA.

Para maging klaro rin sa lahat ay kinapanayam din ni Raffy si DOLE Undersecretary Ana Dione para malaman kung magkano ba talaga ang dapat na sweldo ng PA.

Ayon naman kay USEC Dione ay hindi raw magkapareho ang kasambahay at PA. Nasa minimun wage na raw dapat ang PA.

Sa madaling salita kinokontra ni Raffy ang pinupunto ni Janella na 5,000 lang ang dapat na sweldo ni Michelle dahil hindi nga ito kasambahay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.