Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulfo tutulong idemanda si Janella

0 729

NI: ALWIN IGNACIO

Super trending topic ang Janella Salvador Pa Rin sa Twitter. Ang ibig sabihin nito, ang production assistant na may big reveal sa isang sumbungan program, walang nanalig at hindi kapani-paniwala.

Para sa kanyang fans, ang version of truth ni Bb. Salvador ang tangi nilang paniniwalaan. At go for gold rin sila sa pagsang-ayon na hindi ang programa ang dapat maging judge and executioner sa usaping tao.

Ang relatively young actress, palaban. Hinahamon ang nag-aakusang production assistant na idemanda siya. Alam ni Janella na ang ganitong usapin, pang-barangay level lang talaga at it was indeed foolish for the people behind the program to sensationalize the whole thing. Kasi nga celebrity si Salvador kaya alam nilang ratings winner at pag-uusapan sa social media.

Related Posts

Eh hindi nila yata alam na mas may social media savvy si Salvador kaya nipped in the bud ang nasabing pasabog with the statement that she posted in her social media account. If you were able to read, classy na classy at edukada.

Panalo ang concluding kuda niya sa kanyang post na: “We are literally still going through a PANDEMIC and our press freedom is in danger. Next.”

Abangan na lang natin kung may demandahan ngang mangyayari dahil tiyak, it will be the greatest performance of Janella Salvador. Huwag na nga lang mang-aagaw at eeksena sa frame si mamang Janine Desiderio. Ibigay mo na ang one moment in time na ito sa dalaga mo, huh.

Sa programa naman ni Raffy Tulfo nagsabi siya sa PA na tutulong siya kung gusto niyang idemanda si Janella.

Leave A Reply

Your email address will not be published.