Abante Tonite Interactive

Tuli: Parang kagat ng langgam

By
0 719

Tanda ko pa, bakasyon noon at incoming­ Grade 4 student ako nang samahan ako ng tatay kong magpatulisa doktor. Sa totoo lang, kabado ako dahil masakit daw ‘yun sabi ng kuya ko.

Pinukpok daw kasi ang ari niya noong panahon niya habang ngumunguya ngdahon ng bayabas. Kaya lalo akong natakot. Na­nginginig tuloy ako ng pumasok sa operating room. ‘Yun naman pala,wala pang trenta minutos tapos na parang kagat lang nglanggam.

Para sa mga batang nasa edad sampu hanggang labin dalawa, ito na ang tamang oras. Sabi ng mga eksperto, summer is the ideal time to get circumcised. Hanggang dalawang linggo kasi angbubunuin bago maghilom ang sugat. Kaya swak na swak ito sa haba ng summer break.

Immediate-Hiring-Ads

Maraming libreng tuli ngayon, lalo pa’t magba-barangay elections. Mala­mang na eeksena sina kap at kagawad para magpapogi sa mga nasasakupan. Aba eh sayang ang pagkakataon, samantalahin na.

Pero ano nga ba angtuli o ‘circumcision’ sa Ingles?

Ayon sa dictionary, ‘Circumcision is the surgical removal of the skin covering the tip of the penis.’ Base naman sa mga pagsasaliksik, this is one of the oldest and most common surgical procedures worldwide. Ginagawa raw ito sa mga la­laki hindi lang dahil nakagisnan kundi dahil sa mara­ming dahilan: religious, cultural, social at medical.

Base sa biblical connection, isang ritual obligation para sa Jewish boy sangtuli. Isang common rite din ito ng mga kapatid nating Muslim na may naitalang pinakama­laking bilang ng tinu­ling lalaki sa buong mundo.

Dito sa atin, sign of manliness ang pagpapatuli. Macho kakapag sinabing tuli ka na. Kaya ang mga bata, nagpapaligsa­han kung sino ang mauuna sakanilang magbabarkada.

Sa isang pag-aaral ng New England Journal of Medicine noong 2002, lumalabas na 93% ng mga Pilipinong lalaki ang tuli – 42% angginawa ito bago sila mag-edad sampu, 52% naman ang nagpatuli noong nasa edad silang 10 hanggang 14.

Pero ang pagpapatuli, hindi pa rin pala kinikila­la ng maraming bansa. Angpamangkin ko na lumaki sa Ireland, umuwi pa ngPilipinas noong isang taon para magpatuli.

Kung ditosa Pilipinas, tutuksuhin kang supot ng kapwa-bata mo kapag umabot na nang highschool at hindika pa tuli. Sa Europa naman, ikaw raw ang tampulan ng tukso kapag nalamang nagpa-circumcise ka.

Bukod sa pagiging bahagi ng kulturang Pilipino ang pagpapatuli, mahalaga ito sa personal hygiene at health care ng isang lalaki.

Ang mga lalaking tuli, mababa raw ang tsansang magkaroon ng urinary track infections, nakapag lumala ay posibleng magdulot ng kidney problems. Dagdag pa ng mga medical expert, lower risk din na magka-sexually transmitted infections gaya ng HIV ang mga lala­king tuli. Less common din ang penile cancer sa mga nagpatuli.

Posibleng may nagtutuli pa rin gamit ang labaha o razor at malamang na ‘in’ pa rin ang tradisyunal na ‘pukpok’ sa mga malala­yong probinsiya.

Paalalalang ng mga espesyalista – mas epek­tibo pa ring ipagawa ito sa mga kuwalipikadong doktor. Huwag din daw ipagkibit-balikat ang kalusu­gan sa mga ganitong uri ng operasyon. Baka imbes namakamura, lalo kangmapagastos pagna-infect ang ari dahil sa sobrangpagdurugo.

Ang sa akin lang, mas mabuti nang magpatuli sa may alam.