Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulong medikal, burial handog ng OVP

0 90

Sinimulan na ng Office of the Vice President ang pagbibigay ng tulong na bahagi ng social services programs nito kabilang ang medical at burial assistance sa pamamagian ng satellite offices nito.

Magugunitang, binuksan ni Vice President Sara Duterte ang satellite offices sa ilang panig ng bansa upang makapagbigay agad ng tulong at serbisyo sa publiko ang kanyang tanggapan.

Ang mga alok na medical and burial assistance sa satellite offices ay maaaring makukuha sa pamamagitan ng mga ‘identified partner hospitals’ nito o kaya’y direct walk-in applications.

Ang mga aplikante ay kailangan lamang mag-fill-up ng application form at isumite ang complete requirements at form via walk-in sa satellite office processor o staff at hintayin para sa processing ng application.

Ipaalam naman ng processor or staff ang petsa ng pag-isyu ng tulong na ibibigay sa pamamagitan ng email o personal. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.