Abante Tonite Interactive

Tulong para sa Laguna Lake hiniling

By
848

Humingi ng tulong si Department of Environment and Natural Resourcesá(DENR) Secretary Roy A. Cimatu sa mga opisyales ng Provincial Environment and Natural Resources Officers (PENROs) at Community Environment and Natural Resources Officers (CENROs) sa lalawigan ng Laguna at Rizal upang malinis ang lawa ng Laguna.

Ayon kay DENR Secretary Cimatu, ang Lawa ng Laguna ang siyang target ng kanyang tanggapan para mapaganda at mapalinis atádapat pagtuunan ng pansin sa kasalukuyan.

ôI intend to clean up the Laguna Lake. Thatĺs my goal,ö pahayag ni Cimatu sa harapáng mga environment official sa Region 4-Aása Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) sa isang pagpupulong.

Nagbanta din ito na gagawaran ng kaparusahan ang sinumang mahuhuling nagtatapon at nagiging sanhi ng pagdumi ng baybayin na isa sa itinuturing na may pinakamagandang sunset sa mundo.

Ang Laguna Lake ang pinakamalaking tubig-tabang sa buong Pilipinas at ikatlo saáSoutheast Asia.

Una nang target at nilinis ng DENR ang Manila Bay kung saan talamak ang basura at dumi dito. (Riz Dominguez)