Tulong-tulong tayong umagapay

243

Gusto kong papurihan at batiin ng ‘mabuhay po kayong lahat’ ang mga kapwa ko artista sa magkabilang network, na KAPAMILYA at KAPUSO sa kawanggawang ibi­nibigay nila sa mga kababayan natin sa Batangas na nasalanta ng pagputok ng Taal Volcano.

Hindi ko na iisahin ang mga pangalan nito dahil halos buong industriya ay nagtulong-tulong.

Bukod doon, gusto ko ring papurihan at sabihing “god bless po” ang lahat ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo na nagbigay rin ng kanilang tulong sa mga biktima.

Kami po sa aming team na Superklenk ay nagkaisa para makaipon ng ipamamahagi namin sa mga nasalanta.

Mula 1,300-1,500 goods po ang dadalhin namin sa evacuation centers sa batangas, na naglalaman ng mga toiletries, slippers, underwears, diapers, canned goods and mga damit. Meron ring blankets at mga mask.

Ito po kasi ang mga nalaman naming kailangang-kaila­ngan ng mga evacuee, na hindi na nila nagawang kunin nang magsilikas sila mula sa pagputok ng bulkan.

Patuloy na­ming hinihikayat iba na makibahagi sa pagbibigay pa ng mga relief dahil matatagalan pa bago bumalik sa normal ang buhay ng mga nasalanta, at iyong iba ay makakabalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa mga nagnanais sumama sa relief ope­rations, maging simple lang ang mga kasuotan gaya ng T-shirts, maong pants o leggings, rubber shoes o bota.

Magdala ng masks (lalo na sa mga mahihina ang resistensya) para makasiguro sa anumang maliit pang mga ashfall na naiwan ng pagputok ng bulkan.

Lagi po tayong magdasal hindi lang para sa ating mga sarili kundi sa kapakanan nang mga biktima, sa hindi na muling pagputok ng Taal Volcano at sa iba pang mga bulkan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...