Abante Tonite Interactive

Tuloy ang buhay sa kabila ng lockdown

731

Higit sa dalawang linggo na akong nanatili sa bahay mula nang lockdown, as in totally nakakulong lang kami ng anak kong si Amanda at kasama ang ilang staff namin.

Pero hindi naman porke nasa bahay ka lang tigil na rin ang pag-ikot ng mundo, sa mga gaya naming may negosyong pinatatakbo.

Tuloy pa rin ang delivery ng Hazelberry cakes namin sa pamamagitan ng online orders sa Instagram at Facebook. Sa Instagram @hazelberryofficial at sa facebook naman ay @hazelberrycafe.

Sa gitna ng pandemic at lockdown marami pa rin ang nagsi-celebrate ng kanilang kaarawan.

Makakapagbayad ang mga nago-order thru bank transfer, na merong bank apps sa kanilang mga mobile phones.

Ang available cakes namin ay cheesecakes, mango, oreo, blueberry at iba pa. Medyo limitado lang dahil hindi available ang mga ingredients sa pagsasara ng mga groceries at confectionary stores.

Limitado rin ang cash-on-delivery namin dahil yung mga motorcycle delivery services ay kulang sa pondo para ipambayad sa orders.

Yan ang kagandahan ng online at social media sa aming may mga businesses. Nabibigyan namin sila nang serbisyo sa mga products na ino-order nila.

Related Posts

Sa panahong ito ng lockdown, hindi na ako tumitingin sa oras, o sa schedules o sa kung ano ang mga gagawin ko.

Nakatuon lang ako sa paggawa ng cakes, sa anak kong si Mandy at sa pagre-recollect ng mga bagay-bagay sa buhay.

Sa gitna ng pandemic na ito ako’y umaasang malalagpasan ng lahat ang problemang ito na nagpabago ng buhay ng lahat.

Huwag po tayong mawalan nang pag-asa, manalig lang sa bilin ng gobyerno at sa planong hindi tayo pababayaan lalo na ang mga kapus-palad at yung maliliit ika nga.

Dagdagan pa natin ang dasal sa ating Panginoong Hesus na tanggalin na nya ang virus na ito sa buong mundo.

At pagnatapos na ang lahat nang ito at bumalik tayo sa normal life, matuto na tayong rumespeto ng bawat isa, ituloy ang proper hygiene at hangga’t maari maging conscious tayo sa bawat taong nakakaharap natin.

Natuwa ako sa magandang balita tungkol kay Christopher De Leon at kay Iza Calzado na negative na sa COVID 19. Nalulungkot naman ako sa pagyao ni Menggie Cobarrubias at ng ilang mga medical frontliners na tumutulong sa mga pasyenteng infected ng virus.

Saludo po kami sa inyong kabayanihan at sa iba pang mga frontliners, pati na rin ang mga nagbibigay ng kanilang tulong at donasyon para sa mga nangangailangan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad