Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuloy ang buhay

0 74

Bagama’t partial at unofficial pa ang resulta ng bilangan sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo, kitang-kita na naman kung sino ang panalo. Hindi na kailanganng i-memorize ika nga nila.

Nagulat ba kayo sa resulta? Aaminin ko, medyo nagulat din ako ng konti bagama’t inaasahan ko na ganun nga ang magiging resulta ng eleksiyon dahil naging consistent naman sa mga survey ang Marcos-Duterte tandem.

Well, nagdesisyon na ang taumbayan at napili na mayorya sa ating mga Pilipino kung sino ang susunod na lider ng bansa. Bagama’t dismayado ang ilan, kasama na ako na hindi nanalo ang pambato, wala tayong magagawa kundi tanggapin na lang ang result ang halalan.

Pinakamainam marahil na respetuhin na lang ang desisyon ng nakakarami. Buong puso nating tanggapin ang gusto ng Samabayang Pilipino. Kahit kasi mag-rant ka pa sa social media, hindi pa rin magbabago. Ganoon ang kalalabasan niyan bandang huli.

Sabi nga nila, huwag maging “Bitter Ocampo” o huwag maging amplaya dahil lang sa hindi n’yo gusto ang nanalo. Move on na, yan ang madalas na sinasabi nila ngayon. Tama nga naman, tapos na laban at may nanalo na.

Kung may dayaan mang nangyari sa halalan [although mahirap yang patunayan] eh di maghain ka mag-protesta. Kung may sapat na ebidensiya, maghain ka ng election protest. Karapatan ‘yan ng sinuman.

SM food to go Banner Ad

Kung may magandang man tayong nakita ngayong halalang ito, ito ang pagkakaroon na mapayapang halalan sa buong bansa. Walang masyadong violence maliban sa kaguluhan sa Landao del Norte kung saan apat ang namatay sa araw mismo ng eleksiyon. Doon lang naman.

Dahil automated na halalan, mabilis agad nating nalaman ang mga winners, lokal man yan o nasyonal. Hindi tulad noong panahon ng manual o mano-mano pa kung saan inaabot ng ilang araw bago malaman ang nanalo.

Siguro at tingin ko ito na ang pinaka-emosyonal na halalan sa akin lalo na’t hindi nanalo ang ibonoto ko na sa paniniwala ko ay siyang pinagka-kuwalipikadong maging lider ng bansa sa susunod na anim taon.

Hindi man pinalad ang manok ko, okay lang sa akin. Pinanindigan at inilaban ko pa rin siya sa bandang huli bagama’t alam mo na sa umpisa na mahihirapan siya sa kanyang laban.

Ngayong alam na natin ang susunod na mamumuno ng ating bansa, move on na lang tayo. Tuloy lang ang buhay kahit hindi nanalo ang pambato. Tuloy lang ang buhay kahit hindi mo gusto ang nanalo. Ganyan tayo sa Pilipinas, may demokrasya.

Sa bandang huli, magkaiba man ang ating panininiwala, lahat tayo ay mga Pilipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.