Abante Tonite Interactive

TULOY ANG DOMINASYON

5

Humarurot sa isa pang down-the-wire finish si Wacky Baniqued, wala ring nakasabay kay Tara Borlain at itinuloy ng dalawa ang dominasyon sa Alaska IronKids Phi­lippines sa Shangri-La Mactan Resort and Spa sa Cebu kahapon.

Kumapit si Baniqued para ipagpag ang matin­ding hamon ni Joseff Quirino sa run stage at sikwatin ang boys 13-14 age crown via photo-finish. Nabigyan sila ng identical times na 38:50 pero sinikwat ni Baniqued ang titulo na pang-apat niiyang sunod – sa parehong age category noong isang taon at sa 11-12 field noong 2014 at 2015.

“Never underestimate your competitors and you just train because if you stop training, they will catch up,” lahad ni Baniqued, Grade 9 student sa Colegio San Agustin sa Biñan, na naka-apat na titulo sa anim na sabak sa IronKids Cebu ng annual event na inisponsoran ng Alaska Milk at inorganisa ng Sunrise Events, Inc.

Kinontrol ni Baniqued ang karera sa swim stage, itinuloy sa bike leg, pero bumagal sa run part kaya nakahabol si Quinto.

Reyna si Borlain sa girls side sa 41:34, halos 4 minutes sa unahan ni Nicole Del Rosario.

Ipinagdiinan ng future triathlon star mula Pasig ang dominasyon sa swim leg, hindi natinag sa unahan sa bike race bago kumalas sa kanyang pet na run stage.

Pangatlong sunod na titulo dito ni Baniqued at fourth overall matapos mag-reyna sa 9-10 (2012), 11-12 (2015) at 13-14 (2016) age groups. Nasingitan siya ng ate na si Sam sa 11-12 category noong 2014.