Abante Tonite Interactive

Tuloy ang laban para sa mga manggagawa!

TODO-BALITA NI IDOL

240

Isa sa mga panguna­hing sektor ng lipunan ay ang mga manggagawang Pilipino. Sila ang bumubuo sa malaking bilang ng lakas paggawa na siyang nag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Maituturing na gumagampan ng napakahalagang papel magkaroon ng progreso ang ating bayan.

Sa kabila ng lahat ng mga pagsisikap at pagsasakripisyo ng mga manggagawang Pilipino, sila din ang pangunahing naaapek­tuhan sa tuwing tataas ang presyo ng mga bilihin, kuryente, tubig at langis. Bakit? Dahil hanggang ngayon, hindi pa din naipapatupad ang kahilingan ng mga manggagawa na madagdagan ng P125 kada araw ang kanilang minimum wage kada araw. Mas lalong nahihirapan din ay ang mga manggagawa sa mga probinsya dahil mas mababa pa sa minimum wage ang kanilang natatanggap kumpara sa sahod ng mga manggagawa sa NCR.

Sa pag-aaral, ang isang pamilyang Pilipino na binubuo ng may lima hanggang anim na mi­yembro, dapat ay kumikita sa minimum ng mahigit isang libong piso araw-araw para magkaroon ng disenteng pamumuhay. Patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing panga­ngailangan ng bawat pamil­ya subalit hindi naman tumataas ang sahod ng ating mga manggagawa.

Abante Hiring – IT dep

Kaya naman, sa mu­ling pagbabalik Senado ni Bong Revilla, kagyat na ihahaing muli ang panukalang madagdagan ng P125 na sahod kada araw ang lahat ng mga manggagawang Pilipino. Kailangang maisabatas na ito dahil ilang taon na din ang lumipas mula nang inihapag ito subalit hanggang ngayon ay hindi man lang ito umusad.

Mayroon ding bagong panukalang batas na isusulong si Bong Revilla sa Senado para sa mga manggagawa at ito ang Family Medical Leave Act (FMLA) o Kindness Act of Bong Revilla. Ang FMLA ay naglalayon na mabigyan ng 15 araw na paid leave sa loob ng isang taon ang bawat manggagawa kung ang kanilang kamag-anak ay may malubhang karamdaman at kailangan nila itong bantayan. Sa kasalukuyang kalagayan, ang mga manggagawa ay ginagamit ang kanilang mga vacation leave para lang magbantay sa kanilang mga kamag-anak na may sakit.

***

Ngayong araw ng mga puso, ‘wag nating kakalimutan ang ating mga mahal sa buhay na wala ng ibang ginawa kundi magbanat ng buto at walang sawang magtrabaho para maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.

Ipagpapatuloy ni Bong Revilla ang laban para sa mga manggagawa. Ipagpapatuloy ang laban para sa P125 dagdag sahod, ipagpapatuloy ang laban para maisabatas ang FMLA. Lahat ng ito ay ating pagtutulungan para matugunan ang pa­ngangailangan ng bawat manggagawang Pilipino dahil PINOY, IKAW ANG IDOL KO!