Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuloy ang mga arangkadahan

0 45

Isinailalim ng Inter Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR) simula ngayong araw kaya naman pinatakbo na rin Miyerkoles ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ang mga nakaiskedyul na karera ngayong Huwebes.

May pitong karera Miyerkoles na programa at idinagdag ang pito pang race na pang-Huwebes kaya 14 na karera ang pinakawalan kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

“In view of the new IATF Guidelines on the Pilot Implementation of Alert Levels System, placing the NCR under Alert Level 4 starting Sept. 16, 2021 and imposing a new set of restrictions, following is the revised schedule of races for Sept. 15, 2021 as approved by the Philippine Racing Commission (Philracom). Hence, MJCI will not hold races on Sept. 16, 2021. Please be guided accordingly,” post ng MJCI sa kanilang Facebook account.

Maayos naman ang naging reaksyon ng mga karerista sa naging desisyon ng pamunuan ng MJCI.

“Ganun din naman hindi nabago ang lineup, pinatakbo lang lahat sa Huwebes, ang mahalaga ay natuloy,” komento ni Felipe Villapando sa FB.

Inagahan na lang ang karera upang hindi masyadong gabihin ang pag-uwi ng mga hinete, trainer at empleyado sa karerahan.

Itutuloy pa rin ang mga karera sa Biyernes sa Metro Manila Turf Club sa Batangas. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.