Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tuloy giyera sa politika

0 78

Ang inaasahan ng lahat ay magwawakas na ang pagkakataon hidwaan ng mga Pilipino sa isyu ng politika matapos ang eleksiyon sa bansa.

Pero hindi pa pala tapos dahil nagpapatuloy na naman ang bangayan sa pagitan ng kampo ng mga Marcos at oposisyon.

Matatandaang naging mapait ang kalakaran sa kampanya sa eleksiyon 2022 lalo na sa pagitan ng mga noo’y kandidato na si BBM at Leni Robredo at dito ay mas grabe ang resulta ng politika dahil kahit magkamag-anak at magkaibigan ay nagkasira dahil sa magkakaiba na sinusuportahang kandidato.

Ang buong akala ng lahat ay matapos ang eleksiyon at nahalal na si BBM bilang Pangulo ay muling magkakaisa na ang mga Pilipino.

Ang ibinabanderang UNITY ni Pangulong Bong bong Marcos Jr ay tila hindi natupad at nagpapatuloy ang hidwaan ng mga Pilipino.

Related Posts

Tabako

Ngayon naman ay ang naglalaban ngayon ay ang dalawang pelikulang Pilipino.

Ito ay ang Maid in Malacanang na ang kuwento ay ang nasa likod ng ilang oras bago ang paglisan ng pamilya Marcos sa Malacanang noong Edsa People Power Revolution sa bansa.

Pero inaakusahan na may mga isiningit na eksena na pawang imbento umano na nais baguhin ang tunay na kasaysayan.
Ngayon naman ang pelikulang Katips na nagsasabi umano ng katotohanan sa kasaysayan ng bansa na taliwas sa unang pelikula.

Ngayon kapag Ikaw ay kampi sa Maid in Malacanang movie ay maka- Marcos at ang Katips ay nasa oposisyon.

Pero dapat ang mangibabaw ay ang katotohanan sa kasaysayan at higit sa lahat ay matapos na sana ang hidwaan at sa halip ay magkaisa na ang lahat upang harapin ang mas malalaking problema na kinakaharap ng mga Pilipino at ito ay ang kahirapan sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.