Abante Tonite Interactive

Tuloy-tuloy na tulong ng Palayan City sa Mindanao

154

Bukod sa donasyon na 30 toneladang bigas noong Huwebes ay personal namang inabot kahapon ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas ang tig-kalahating mil­yong pisong cash sa mga alkalde ng Makilala at Kidapawan sa North Cotabato para sa mga biktima ng lindol doon.

Malugod namang tinanggap ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang pera mula sa pa­milya ni Mayor Cuevas na gagamiting pandagdag sa iba pang pa­ngangailangan ng mga biktima ng lindol sa nasabing lungsod.

Laking pasalamat naman ng staff ni Makilala Mayor Armand Quibod sa cash na galing sa pa­milya ni Cuevas. Nasa Davao City si Quibod nang dumalaw si Mayora Cuevas sa lugar.

“No amount of cash or material things can replace ‘yung sakit na naranasan ng mga biktima lalo na ‘yung mga namatayan,” sabi ni Mayor Cuevas.

“Pahayag pa ng alkalde, “Pa­nalangin po naming mga taga-Palayan City ang agarang pagbangon ng Mindanao sa kalamidad na dumaan.”

Dinalaw rin ng alkalde ng Palayan ang mga evacuation center ng dalawang lugar para perso­nal na alamin kung ano pa ang mga kailangan ng mga biktima.

Bago umalis ay nangako si Ma­yor Cuevas na hinding-hindi magsasawa ang Palayan City sa pagtulong sa mga lugar na may biktima ng kalamidad.