Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulungan sa NLEX – Guiao

0 68

Hindi naging hadlang para sa NLEX ang pagkawala ni team stalwart Kiefer Isaac Ravena makaraang masungkit ang tagumpay kontra Alaska, 84-74, sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup Huwebes ng hapon sa on Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.

Ayon kay coach Joseller ‘Yeng’ Guiao, pinupunan ng Road Warriors ang pagliban ni Ravena sa pamamagitan ng team effort ang susi sa panalo laban sa Aces.

SM food to go Banner Ad

Bumiyahe noong nakaraang linggo si Ravena pa-Japan upang asikasuhin ang kanyang mga dokumento para makapaglaro sa 6th B.League 2021-22 para sa Shiga Lakestars.

“Ang mentality namin is we cannot step into the shoes of Kiefer if we’re just looking for one or two guys to step into those shoes. We have to do it by committee,” aniya (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.