Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tulungan sa panahon ng pandemya

0 318

Sa panahon ng COVID-19 pandemic, napakahalaga na maalagaan ang kalusugan ng bawat Filipino. Bawat pamilya, dapat gumawa ng paraan para hindi madapuan ng sakit.

Isang miyembro lang ang tamaan ng coronavirus disease, lalo na ang Omicron variant, ay buong pamilya na ang mahahawahan.

Dito kinakailangan ang mahalagang papel ng lokal na pamahalaan upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19 sa isang komunidad. Eh paano naman kung hirap din ang LGU na labanan ang pagkalat ng coronavirus sa kanyang nasasakupan?

Sa Quezon City, handang makipagtulungan ang kampo ni Cong. Mike Defensor kay Mayor Joy Belmonte para malabanan ang COVID surge dulot ng Omicron variant.

“For now, we’ve set aside our political differences so that we can concentrate in helping to contain the surge in new infections,” wika ng Anakalusugan party-list representative sa Kongreso.

Sina Defensor at Belmonte ay magkalaban sa pagka-alkalde ng siyudad sa May 9 elections. Pero noong makita ni Defensor na sumipa ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City, isinantabi muna niya ang girian sa politika upang tulungan ang city government.

Noong bago pa lang umaakyat muli ang kaso ng nagpopositibo sa siyudad, pinaigting na agad ni Defensor at ng kanyang mga kaalyado ang kampanya para labanan ang surge ng COVID-19 infection sa Quezon City.

“We’ve devoted additional resources, and we’ve also deployed more people on the ground to help COVID-19 stricken families,” ani Defensor.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are referring suspected new infections to testing centers as well as isolation facilities, and we are also providing food and medicines to affected households,” pagsisiwalat pa niya.

Napakasuwerte naman ng mga mamamayan ng Quezon City kung papalaring manalong alkalde ng siyudad si Defensor. Ngayon pa lang, nakalinya na ang mga patok na proyekto na tiyak na lubusang pakikinabangan ng mga residente ng lungsod, lalo pa yung mga kapuspalad.

Nangako si Defensor na magtatayo ng bagong molecular diagnostic laboratories upang mapagsilbihan ang halos tatlong milyong residente ng siyudad ng “transformative point-of-care screening services for multiple diseases, including the next pandemic virus.”

“The residents of Quezon City deserve access to world-class automated testing services for diseases, and we are determined to give it to them,” giit ng kongresista.

Tatlong molecular testing lab ang planong itayo ni Defensor. Ilalagay ito sa Quezon City General Hospital, Novaliches District Hospital, at sa Rosario Maclang Bautista General Hospital.

Sa ngayon kasi, walang sariling molecular screening labs ang tatlong ospital ng Quezon City government at umaasa pa sila sa resulta ng mga pribadong pasilidad.

Ang molecular lab na ito ay hindi lang magkakaroon ng kapabilidad na sumuri ng COVID-19 kundi sa iba pang sakit tulad ng multidrug-resistant tuberculosis, human immunodeficiency virus (HIV), hepatitis, cervical cancer, breast cancer, bladder cancer, at meningitis.

Sana ganyan din ang kandidato naming alkalde rito sa southern part ng Metro Manila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.