Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tumabla vs China : Kai, Gilas pa-Serbia na

0 103

Nakipagpukpukan ang Gilas Pilipinas sa China sa tune-up game sa AUF Gym Miyerkoles ng gabi.

Sina Kai Sotto, naturalized center Ange Kouame at Jordan Heading ang bumuhat sa Pinoy quintet.

Papawis muna ang mga Filipino at Chinese bago tumulak sa kani-kanilang asignatura sa Olympic Qualifying Tournament.

Biyaheng Belgrade ang Gilas ngayong araw, naka-bracket kasama ng host Serbia at Dominican Republic sa preliminaries umpisa June 30.

Pa-Canada ang China, nagpaiwan pagkatapos ng FIBA Asia Cup Qualifiers noong Linggo.

Sa ulat ni Carlo Pamintuan ng ESPN5 na nasa Angeles City venue, nauwi sa 79-79 draw ang tune-up. Hindi na itinuloy sa overtime.

Abante ng pito ang PH 5, isinara ng Chinese ang laro sa 8-1 blitz huli ang tip-in sa buzzer mula sa isinablay na second free throw.

Kinamada ni Sotto sa fourth quarter ang 11 sa kanyang 13 points, may tig-12 sina Kouame at Heading. Naka-9 markers si RJ Abarrientos at tig-8 sina Will Navarro at Justine Baltazar.

Hindi pa inihahayag ni coach Tab Baldwin ang final 12 sa Serbia.

Ang iba pa sa pinagpipilian ni Baldwin sa final roster ay sina Dwight Ramos, Geo Chiu, SJ Belangel, Mike Nieto, Javi Gomez de LIano, LeBron Lopez, Jaydee Tungcab at Carl Tamayo na hindi naglaro dahil sa ankle sprain. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.