Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tumakas na COVID positive galing Indonesia natunton ng DOH

0 41

Natunton na ng Department of Health (DOH) at naka-isolate na ang isang crew member ng MT Clyde mula Indonesia na umuwi sa bansa.

Sinabi ni Health Usec. at Spokesperson Ma. Rosario Vergeire na naka-isolate na rin ang pamilya ng crew member, at nagpapatuloy pa rin ang contact tracing.

Nabatid kay Vergeire na mahigpit nang binabantayan ang 11 pang tripulante ng MT Clyde na nagpositibo rin sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nalaman na nasa Albay na ang tugboat maging ang isang barge na mula sa Indonesia at bantay-sarado ng Philippine Coast Guard (PCG).

Hindi umano pinapalabas o nagpapasaok sa cargo ship maliban sa mga awtoridad o essential worker.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ng Health spokesperson na naipadala na sa Philippine Genome Center ang nasa limang sample mula sa 12 crew na nagpositibo sa coronavirus. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.