Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tumalo kay Nora windang ang career

0 162

Do not even dare na uratin ang mga Noranian sa kasalukuyan. Poot at suklam ang kanilang nararamdaman kasi nga, hindi ang People’s National Artist Nora Aunor ang hinirang bilang pinakamahusay na pangunahing aktres para MMFF entry na “Isa Pang Bahaghari.”

Alam na natin na ang nag-viktoria eh ang biglang naging the WHO no more na si Charlie Dizon. Siya ang bidang babaeng mas pinagpausapan pa ang fake penis ni Paulo Avelino kesa sa kung anong merito man ang pelikula nila.

Ano naman mangyayari sa karera nitong si Dizon ngayong best actress na siya? Hindi naman siya si Andrea Brillantes pretty although prettier naman yata siya at mas mahusay umarte diumano kay Francine Diaz.

Will winning a best actress trophy guarantee her popularity like the kasikatan of Kim Chiu or sa naabot na fame ni Jolina Magdangal during her heydays.

Naku, ayokong problemahin ang career niya. Huwag naman sanang pagkatapos niyang magwagi, ang pagiging It Girl niya, gone girl kaagad. Ang saklap naman nun.

Lahat ng younger actresses na kinasahan si Ate Guy, parang aandap-andap na ngayon ang karera .Ang perfect examples nito ay sina Barbie Forteza sa “Tuos” kung saan hindi nagpakabog ang hitad kaya ang Young Critics Circle, cited ang performances as the best in the Derek Cabrido film.

Andiyan pa rin ang La Aunor, eh si Forteza, ayun, jowa na lang ni Jak Roberto.

Si Therese Malvar ngayon, na Tere Malvar pa ang screen name nu’ng tinalo ang superstar na bida sa “Ang Kwento ni Mabuti.” Si Malvar ang naging best actress para sa “Ang Huling Cha-Cha ni Anita.”

Bongga ka day pa rin ang Nora Villamayor pero si Malvar, matapos maging Kapuso artist, anong nangyari? Paramdam ka naman Therese, pakilusin mo kaya ang baso. Hahahaha!

SM food to go Banner Ad

Kaya Charlie Dizon, dahil kinabog mo ang nag-iisang superstar, sana naman hindi ka agad maging the WHO.

Andrea panalo sa paputok

Living well, and devastatingly beautiful at that, iyan ang walang dudang mantra ngayon ni Andrea Torres.

Matapos ang hiwalayan kay Derek Ramsay, pasabog kung pasabog ang latest larawan ni Bb. Torres sa kanyang IG.

At well appreciated ang kanyang figure display dahil almost 124K likes na ito and counting, habang tinitipa ko ang aking pitak.

Parang hindi man lang ngumangal at tinanong ni Torres sa sarili niya kung pangit ba siya matapos ang hiwalayan dahil nga nagmumukod tangi ang kanyang rikit .Talaga namang isa siyang buhay na patotoo na magaganda talaga ang Filipina,

Maraming matutuhan ang mga babae sa kanya lalo na sa usaping how do you deal with a broken heart. Talagang acting like a lady till the end si Andrea. Walang cryptic posts. Hindi ginamit ang api-apihan card to milk the situation dry, paint Ramsay in a bad light, and cry on cue to gain public sympathy.

Naway mas maging mahusay na aktres si Torres dahil sa kaganapang ito. Sana’y mas espesyal na mga proyekto ang kanyang mapagbidahan, sa telebisyon, lalong-lalo na sa pelikula, para makita ang galing niya bilang aktres.

Ramsay is a beefcake yes pero walang nanalig sa pagka-aktor niya. Parang mauuna pang tanghalin si Andrea na maging aktres.

Kapag itinanghal na si Andrea Torres bilang isa sa mga pinakamamahusay nating aktres sa Pinas, neknek mo na lang kay Derek Ramsay, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.