Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tumanggap ng P10B sa NTF-ELCAC ilantad

0 223

Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang spending priority ng gobyerno sa gitna ng pandemya at pagprayoridad sa paglabas ng pondo sa kontrobersiyal na anti-insurgency program.

Sa datos ng Department of Budget and Management, sinabi ni Drilon na umabot na sa P10.68 bilyon ang pondong nailabas sa National Task Force to End Local Communism and Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Abril 2021.

Ang NTC-ELCAC ay may total budget na P18 bilyon sa 2021 General Appropriations Act kung saan P16.4 bilyon ay mapupunta sa Barangay Development Program at 822 barangay ang tatanggap ng tig-P20 milyon.

Sabi ni Drilon, bagama’t hindi pa napopondonan ang P8,000 ayuda sa mga mangagawa ng pribadong sektor, nakatanggap na NTF-ELCAC ng P10.68 bilyon. Nasa P7.54 bilyon nito ay naibigay noong Abril sa kasagsasgan ng batikos sa pag-red-tag ng task force sa mga organizer ng community pantry.

“Bakit po parang nagmadaling ilabas ang budget? Bakit yung pondo sa Marawi rehabilitation mabagal ang paglabas ng pondo? Saan po gagamitin itong P10.68 bilyon?” tanong ni Drilon.

Kinuwestiyon din ni Drilon ang kawalan ng transparency sa pondo ng NTF-ECLAC kasabay ng muli niyang panawagan para sa pagsumite ng quarterly report sa paggamit ng pondo ng naturang task force.

“Saan po ba napunta ang P10.68 billion? Anong barangay? Anong siyudad o bayan ang nakinabang dito? In the spirit of transparency, let us publish the data and inform the public,” ayon kay Drilon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.