Abante Tonite Interactive

Tumataas ng 6 na pulgad ang Eifeel Tower tuwing summer

12

Sa United States of America, mahigit na 650 million long distance trips ang nangyayari tuwing tag-init.

Ang 5 pinaka-popular na ginagawa ng mga kano ay ang 1. pagbabakasyon malapit sa beach, 2. Pamamasyal sa mga mga pamosong lungsod, 3.

Pagpunta sa mga national parks, 4. Tour sa mga lake, 5. Ang iba naman ay pumupunta sa mga resort.

***

Tuwing tag-init ­naman sa France ay umuunat ang mga bakal ng Eiffel ­Tower na nagre-resulta sa pagtaas nito ng mahigit sa anim na pulgada.

***

Ang buwan ng tag-init na June ay kinuha mula sa pangalan ng asawa ni Jupiter na si Juno. Pinapalagay ding nagmula ito sa salitang Juniores, tawag sa lower branch ng Roman senate.

***

Ayon sa pag-aaral kadalasang tumataas ang insidente ng suicide tuwing summer dahil sa pag-init at pagtaas ng hormonal changes ng katawan.

***

Ang mga pagano ay gumagawa at nagdidiwang ng summer sa pamamagitan ng pagtalon ng mag-asawa sa bonfire, pinaniniwalaang ang mas mataas na pagtalon sa apoy ay magdudulot ng mas mataas na ani sa mga produktong kanilang itinatanim.

***

Ayon sa pananaliksik mas matindi raw mangaliwa ang tao tuwing panahon ng tag-init.

***

Palasak tuwing tag-init ang pakwan. Ito ay nagtataglay ng 92 percent tubig at tuwing summer ay nakaka-konsumo ang mga kano ng 15 pounds nito kada taon.

***

Ang popsicle ay aksidenteng naimbento ng isang 11 anyos na bata sa San Francisco noong 1905 panahon naman ng tag-lamig.

Di sinasadya niyang naiwan ang isang baso ng soda sa labas ng bahay at nang balikan niya kinabukasan ay frozen na ito.

***

Ang pinakamahabang summer bikini parade na naitala ay nangyari noong August 19, 2012 sa China na dinaluhan ng mahigit sa 1,085 participants.

***

Ang unang Olympic Games ay naganap noong 1896 na tinawag na Games of the Olympiad in Athens Greece.

Ito ay ginanap sa Panathinaiko Stadium, ang unang pinakamalaking stadium na dinaluhan ng may pinakamaraming crowd sa isang sporting event.