Abante Tonite Interactive

Tumatagay na utol tinodas ng kuya

1,531

Isang lalaki na noo’y nakikipag-­inuman sa kapwa mangingisda ang nasawi nang pagsasaksakin ng nakatatandang utol dahil umano sa matagal na nilang alitan sa Maragondon, Cavite.

Namatay noon din si Kenneth De Guzman, 29-anyos, may live-in partner.

Binawian naman ng buhay habang ginagamot sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH) si Mark Aries Mojica, kapwa taga-Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite dahil sa saksak sa katawan.

Sa presinto na nahimasmasan sa sobrang kalasingan ang suspek na si Sonnylet De Guzman, 31, nakatatandang kapatid ni Kenneth at kapitbahay nito sa Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Juviel De Leon ng Maragondon, Municipal Police Station, alas-10:00 Martes ng gabi nang maganap ang insidente.

Nag-iinuman si Kenneth at Mark sa loob ng bahay ng una nang dumating ang nakatatanda nitong kapatid na si Sonnylet na nakainom din.

Pagkakita kay Kenneth ay kinom­pronta at habang nagtatalo ay nagbunot ng patalim si Sonnylet at itinurok sa dibdib ng nakababata nitong kapatid na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Tinangka namang mamagitan ni Mark Aries pero siya ang bina­lingan ni Sonnylet at napatay din.

Ayon kay De Leon, matagal na umanong may alitan ang magkapatid na lalong sumiklab nang magpang-abot. (Gene Adsuar