Abante Tonite Interactive

Tumatawid na Chinese nahagip ng taxi

337

Sugatan ang isang pedestrian na Chinese national matapos itong masalpok ng isang taxi habang tumatawid kahapon sa Makati City.

Patuloy na ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Yang Tin, 25-anyos, employee, nakatira sa Brgy. Bel-Air ng nabanggit na lungsod.

Kinilala naman ang driver na si Felix Tampus, nakatira sa no. 414 Grande A­venue, Brgy. Almanza BF Homes, Parañaque City.

Abante Hiring – IT dep

Sa report sa Makati City Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong alas-tres nang madaling-araw sa pa-nulukan ng Dela Costa at Valero St., Brgy. Bel-Air ng naturang lungsod.

Napag-alaman na minamaneho ni Tampus ang taxi na Toyota Vios na may plakang NBO-1564, nang big-lang tumawid ang biktima.

Huli na bago nakontrol ng driver ang preno at nasalpok na nito ang nasabing dayuhan at tuluyang tumumba sa semento. (Armida Rico)