Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tumatawid na lola, 2 beses nabundol

0 39

Nasawi ang isang 73-anyos na lola nang dalawang beses itong mabundol ng magkaibang sasakyan habang tumatawid kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Naisugod pa sa Tondo General Hospital pero nasawi rin si Lydia Infante, 73, street sweeper, ng 235 H. Lopez Blvd., Balut, Tondo.

Kapwa nasa kustodiya naman na ng pulisya at sasampahan ng kaukulang kaso sa piskalya ang driver ng dalawang behikulo na nasangkot sa aksidente na sina Dennis dela Cruz at Anecito Pequit.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ni Pat. Rustom Arcyll De Guzman, ng Manila Police District-Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), alas- 6:25 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Honorio Lopez St., sa Balut, Tondo.

Tumatawid ang biktima sa naturang lugar nang mahagip ng harapang bahagi ng itim na Montero Sport na minamaneho ni Dela Cruz.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa kabilang lane ng kalsada at dito naman siya nabangga rin ng minamanehong taxi ni Pequit, na nagresulta sa kanyang kamatayan dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.