Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tumodo sa laklak, 12 kulong sa social distancing

0 400

Inaresto ng Pasig Police Ang 12 katao nang mag-drinking spree at nakalimot sa ipinatutupad na social distancing kamakalawa ng gabi sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 11332, Resistance and Disobedience at City Ordinance No. 54 Series of 2017 o drinking in public place ang mga suspek na sina Mark Jhon Mongcopa y Ralia, 34, Carlos Espiel Bosa, 20, Rommel Turqueza y Capnao, 29, Bless Angay y Jabajab, 28, Darwin Escota y Escopete, 27, Fretch Ivan Santillan y Samillano, 22, Donn BNayug Asaytuno, 33,Rinn Eugenio y Polis, 27,John Balines y Bacus, 33, John Rex Angay y Jabajab, 39, Edrian Delos Santos y Gonzalez, 26 at Christopher Pascasio y Pilapil, 33-anyos, pawing taga-Pasig City.

Inaresto ang mga suspek alas-9:00 kamakalawa ng gabi sa Santol St., Pinalad Road, Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan, matapos makatanggap ng tawag ang Pasig City Police kaugnay sa kanilang walwalan sa kalsada.

Agad rumesponde ang pulisya at binalaan sa ipinatutupad na social distancing.

Nabatid na hindi nakinig at itinuloy pa rin ng mga ito ang inuman kaya binitbit na sa presinto. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.