Abante Tonite Interactive

Tumulong bago mam-bash

205

Dear Abante Tonite:

Marami na sa ating mga kababayan ang nangangailang ng tulong dahil sa pagngingitngit ng Bulkang Taal.

Itinaas na sa status na Alert Level 4 ang bulkan at dahil dito nagdeklara na rin ang probinsya ng Cavite ng state of calamity. Marami na rin ang apektadong kabuhayan, kabahayan at maging mga alagang hayop na nakakapanlumong makita sa telebisyon na nahihirapan.

Speaking of marami, sa dami ng mga party-list at politikong nambola ng mga tao, bakit kaya hindi yata maaninag ang kanilang mga anino? Pasintabi lang sa mga politikong magaling mang-uto, baka naman kaya ninyong panindigan ang pagtulong na sinasabi n’yo noong panahon ng kampanya?

Isa pa, ‘yung mga magaling magpasimuno ng rally diyan ipakita n’yo rin na magaling kayo mangalap ng tulong para sa mga apektado ng kalamidad.
Maraming nangungutya at kum