Abante Tonite Interactive

Tumulong huwag puro reklamo

0 199

Dear Abante Tonite,
Bilib ako sa suportang ipinapakita ni Matteo Guidicelli sa Armed Forces of the Philippines. Hindi lamang ito simpleng pagpanig lamang sa AFP dahil ipinapakita niya ang masidhing pagmamahal at kagustuhang maglingkod para sa bayan, sa kabila ng katayuan niya na isang artista at maimpluwensyang tao.

Kaya maging ako nahikayat n’yang sumapi at maging huwaran.

Tama siya sa sinabi niya na magkaisa tayo hindi `yung puro reklamo na lang. May magagawa ba iyon? Imbes na pulaan natin at hanapan ng mali ang gobyerno o ang organisasyon bakit hindi tayo mismo ang umaksyon at magsimula ng pagbabago?

Hindi natin pwedeng kwestyunin lang ng kwestyunin ang pamahalaan dahil ginagawa nila ang lahat ng makakabuti para sa ating bansa. Sana tayo rin ay gawin natin ang makakabuti. Tumulong tayo ‘wag puro reklamo, para hindi tayo nagiging pabigat o sagabal.

John Michael Gapa
Sampaloc, Tanay Rizal