Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tumulong sa kaibigan tigok sa live wire

0 189

Nagmagandang loob lamang sa kaibigan pero naging sanhi ng kamatayan ng 53-anyos na babae nang dumikit ito sa live wire mula sa extension ng electrical drill habang gumagawa sa bubong sa Imus City, Cavite.

Sunog ang kamay at bahagi ng hita nang ibaba mula sa bubong ang biktimang si Carina Lusuegro ng Bayan Luma 3. Sa ulat ni Pat. Gerlad Ashley Gervacio ng Imus City Police, dakong alas-kwatro kamakalawa ng hapon nang nagprisinta umano ang biktima na siya na ang gagawa sa bubong ng bahay ng kaibigan na si Marilou Monzon, 51.

Bitbit ang isang electric drill, umakyat ang biktima sa bubong ng bahay at sinimulang magtrabaho pero nang gamitin ang pambutas ay bigla na lamang itong nangisay. Huli na ng matuklasan ng kaibigan na si Monson dahil wala na itong buhay.

“Lumalabas na ‘yung electrical tape na nakabalot sa extension wire na dugtong sa electric drill ay nabalatan at psibleng dumikit sa katawan niya dahilan ng kanyang pagkakakuryente” ayon kay Gervacio.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at kung may naganap na foul play. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.