Tumulong tayong mga Olympian vs coronavirus – WOA president

260

Nanawagan si World Olympians Association (WOA) President Joel Bouzou ng France sa lahat ng mga atletang Olympian noon at ngayon na manguna sa kanilang mga komunidad at bansa para suportahan ang paglaban kontra coronavirus disease pandemic.

Kinikilala ni Bouzou ang lahat ng Olympic dreams ng mga atleta kahit kailangan nilang maghintay dahil na rin sa krisis sa virus na pumuwersa sa pagpaliban sa papasok na taong 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan mula sa unang pagtakda rito sa parating na Hulyo 24-Agosto 9.

Ayon kay Bouzou, kailangan ang pagkakaisa ng mga Olympian sa pagtawag sa iba png mga atleta sa paghingi ng tulong at suporta sa ibang atleta at mamayan ng kanilang bansa para matulungan ang mga komunidad lalo na sa kasalukuyang mapanghamong panahon.

“Athletes could make a big difference to ensure people feel supported and local government guidance is followed, bulalas ng Pranses. “Sport is only one part of what it means to be an Olympian.”

Hinirit pa niyang, “Despite the Games being postponed, the Olympic spirit lives on and burns brightly, which is why we have a responsibility as role models to take a leading role within wider society through helping others.”

“Ensuring we all follow our local guidance is a priority, however, where you can, volunteer to help those more vulnerable, organise a group video call with family and friends or simply pick up the phone to a neighbour. The smallest actions can make all the difference to someone in need,” giit ng lider ng WOA.

“Each individual Olympian can be a real influence in their community and society at large. They can be a great help to their governments and medical experts by amplifying the messages and guidelines which are in place to ensure everyone’s safety.” (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...