Abante Tonite Interactive

Tuna Festival nawalan ng ningning

0 352

General Santos City — Isang tuna na may timbang na 30 kilong ang pinaghati-hatian ng mahigit 20 katao sa libo-libong dumalo upang makiisa sa pagdiriwang ng tuna festival.

Ramdam ang pagkadismaya ng maraming dumalo at dumayo sa tinaguriang ‘Asia’s tuna capital’ na umaasam makakakurot o makakatikim ng libreng nilitson na tuna.

May ilang nag-ihaw ng tuna pero hindi para ipakain ng libre sa mga bisitang nakikiisa sa selebrasyon.

Nagtayo rin ng kani-kaniyang ihawan sa kinulong na lugar na pag-aari ng ilang lumahok na kompanya ng mga nag-e-export ng tuna na parang pinaglalaway lamang ang mga bisi­tang dumayo.

Related Posts

Ilan sa nakapanayam na mga residente ng GenSan ay nagsabing maging sila ay nagtataka dahil nawala na umano ang dating sigla ng taon-taong ipinagdiriwang na Tuna Festival.

Anila dati makikita mo ang iba’t ibang putahe ng tuna na nakalatag sa gitna ng isinarang kalsada ng Pioneer Street upang ipakain ng libre sa mga dumayong bisita at makisaya sa pagdiriwang.

Ito na ba ang senyales na paubos na ang isdang tuna sa GenSan na dating kilalang lugar bilang Asia’s tuna capital?

(Mina Aquino)