Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tunawin ang holiday fats

0 101

Ngayong tapos na ang Holiday season, sigurado akong nadoble ang timbang ng marami sa atin dahil sa kaliwa’t kanang handaan nitong Pasko at Bagong Taon.

Di gaya noong isang taon na mahigpit pa ang quarantine status – ngayong Christmas season, bahagya nang lumuwag ang restrictions kaya marami ang naghanda at dumalo sa mga social gathering.

Pansin n’yo bang sumikip na ang mga damit n’yo? Worry no more, puwede namang ibalik ang alindog ngayong 2022. Bahagi na ng New Year’s Resolution ang pagpapaganda ng katawan. Isa ‘yan sa mga nasa top list. Hindi lang siyempre para gumanda ang kurba ng katawan, kundi para maging malusog din lalo na’t hindi pa tapos ang laban ng buong mundo sa Covid-19 pandemic.

Kahit paulit-ulit, hindi pa rin nagsasawa ang health authorities na paalalahanan ang publiko na mag-allot ng oras kada araw para mag-ehersisyo. Kabilang dito ang walking, jogging at biking.

Kung may pupuntahan at puwede namang lakarin ang destinasyon, huwag nang magsasakyan. Mas mainam na pawisan ka sa paglalakad. Parte na rin ito ng pag-eehersisyo mo.

Puwede ka rin namang mag-jogging sa loob ng inyong compound. Kung allowed naman ang pagbibisikleta sa inyong lugar, samantalahin din ang pagkakataon. Basta tiyakin ang ibayong pag-iingat. Huwag kalimutan ang safety gears sa biking.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa panahon ngayon, importante ang cardio exercises para mas lumakas ang ating puso at baga. Magandang hakbang din ito para mas maging malusog at matibay ang ating pangangatawan laban sa anumang sakit.

Hindi kailangang maging magastos kung gustog magpapayat. Marami namang DIY exercises na puwedeng gawin at the comfort of your own homes. Kung takot ka pa mag gym dahil sa banta ng Covid-19, puwede kang mag-exercise sa loob ng bahay o di kaya’y sa labas, basta nasa loob pa rin ng inyong compound. Maraming available exercises online na puwedeng gayahin – walang registration fee, ligtas ka pa.

Pero hindi sapat na mag-ehersisyo ka lang. Kailangang sabayan ito ng proper diet. Ayon sa ilang fitness guru, ang proper diet ay hindi nangangahulugan nang hindi pagkain nang marami para pumayat. Sa halip, mas kailangan ngang kumain ngayong may pandemya – basta siguruhing masustansiya ang mga ito. Kumain din sa oras. Ibig sabihin, huwag magpapalipas ng gutom.

Hindi rin kailangang maging mapili sa pagkain. Kung ano ang available sa hapag, puwede na ‘yan. Basta ang dapat na laging isipin, kontrolado ang pagkain. Huwag sobra-sobra. Kung busog na, tigil na. Huwag ding matutulog nang busog. Magbigay ng 2 to 3 hours na allowance pagkatapos kumain bago matulog.

Ang sa akin lang, importante talaga ang ehersisyo at pagkain nang wasto lalo na ngayong nakikipaglaban pa rin tayo sa global health crisis. Mahalagang malakas ang immune system para may panlaban sa virus na posibleng umatake sa ating pangangatawan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.