Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tunay, Fajardo sa bisikleta nag-date

0 155

Imbes na romantic candle light dinner, simplehang date ang naging ganap ng magnobyang sina incoming Premier Volleyball League (PVL) player Maria Carmela ‘Mela’ Tunay ng Motolite Powerbuilders at Philippine SuperLiga (PSL) player Kim Fajardo ng F2 Logistics Cargo Movers.

Ibinahagi ng magdyowa sa Instagram post ni Tunay Lunes na `padyak’ sa kalsada ang kanilang eksena kasabay ng pag-stop over sa Starbukcks para magkape at muling magka-energy sa pagpedal ng bisekleta.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Our kind of date night,” caption ni Tunay, 25-anyos, 5-7 ang taas at tubong Mandaluyong pero sa Makati na residente.

Magandang aktibidad naman ito sa dalawang atleta dahil habang wala pang laro sa kanilang mga liga’y nakakapag-ehersisyo at napapangalagaan pa ang kanilang katawan. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.