Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tunay medtech ang trip

0 206

Bago maging isang ganap na ‘Master of Arts’ o M.A. si Premier Voleyball League star Maria Carmela ‘Mela’ Tunay, inamin niyang medical course ang kanyang trip.

Aniya, bata pa lang ay ini-imagine na niya ang sarili sa ospital.

“Nung bata ako ang layo ng gusto ko eh. Gusto ko parang nasa medical field ako,” pag-amin edad 25 at 5-7 ang taas na balibolista nitong isang araws lang sa Volleyball DNA.

SM food to go Banner Ad

Sa katunayan Medical Technology ang gustong kurso ng dalagang tubong Mandaluong pero residente na ng Makati, pero nahirapan siyang makapasok at inisip na maaapektuhan ang kanyang ensayo bilang student athlete.

“I was supposed to take Med Tech kaso ang hirap talaga makapasok sa program ng UST med tapos ang schedule pa is whole day so it will affect my training time,” wakas niya.

Sa ngayon isa nang M.A. sa Marketing Communication ang open hitter na grumaduate nitong Pebrero. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.