Abante Tonite Interactive

Tunay na ama wanted kay Sylvia

559

Masayang-masaya si Sylvia Sanchez para sa lahat ng blessings na dumarating sa pamil­ya nila lalo na nga sa showbiz career ng dalawa niyang anak na sina Arjo at Ria Atayde, gayundin of course sa mga magaganda ring pangyayari sa career niya, latest of which ay ang pagkakapanalo niya bilang best actress sa recently-concluded 5th Sinag Maynila Film Festival’s Gabi ng Parangal para sa pelikula niyang “Jesusa.”

Kaya naman kahapon ay nagkaroon ng thanksgiving presscon ang Atayde family bilang pasasalamat sa lahat ng blessings at sa entertainment press na rin na sumusuporta sa kanila.

Proud and happy si Ibyang (tawag kay Sylvia) sa dalawang anak na kasama na rin niya ngayon sa kanyang propesyon at may sarili nang mga pangalan especially Arjo na nagsimula lang sa pa-support-support pero ngayon ay nagbibida na’t puring-puri bilang isang mahusay na aktor.

“Kung nakapasok sila dito (sa showbiz), at kung tumayo sila ngayon, sariling gawa ni Ria at ni Arjo ‘yun. Talent nila ‘yun. Pagi­ging professional, pagiging focused nila sa craft nila, sila gumawa nu’n.

“Kasi, alam naman natin, at the end of the day dito sa showbiz, ang makikita pa rin ‘yung pagiging professional mo, pakikisama at higit sa lahat, talent mo. Kaya proud ako dahil meron no’n si Ria at si Arjo.”

Nang may mag-comment na siyempre, credit naman kay Ibyang na may pinagmanahan si Arjo at pagbibiro ng aktor, “tsismis lang ‘yun.”

Biro rin naman ni Ibyang, “ngayon daw, ako raw nagmana sa kanila.”

Happy rin of course si Arjo sa lahat ng mga papuri at mga magagandang project na dumarating. He stressed out nga na he’s not here for the fame kundi gusto lang niyang umarte.

Aminado naman ang aktor na mahirap talaga at may pressure kapag anak ka ng isang artista lalo pa’t kung ang magulang ay magaling na aktor.

Pero hindi na raw niya iniisip ang pressure at ang ginagawa lang niya ay mag-focus sa kanyang craft and gives his best.

Samantala, isa pang ikinae-excite ngayon ni Ibyang ay ang katuparan ng wish niyang makita na finally ang kanyang ama na mahabang panahon na niyang hindi nakikita.

Pati nga raw si Arjo ay excited na ring makita ang kanyang lolo.

“Hindi ko pa siya nakikita, hindi ko alam kung ano ang hitsura niya,” sey ni Arjo.

Siyempre ay suportado niya ang mommy niya sa paghahanap sa ama nito. “Sana mahanap, we wanna see him,” sey pa ng aktor.

Ayon naman kay Ibyang, wala pa raw siyang percentage na maibibigay sa possibility na mahanap ito pero ‘pag dumating naman daw ang time na ‘yun ay ipapaalam niya.

“Pupunta ako do’n ‘pag nakita. Kaya ko naman gagawin ‘to, para sa nanay ko din, it’s more on closure sa nanay ko. Kasi, hanggang ngayon, actually, nalaman ko, hindi pa siya nakapag-move-on. So, gusto kong ayusin sa nanay ko, higit sa lahat, sa mga kapatid ko,” pahayag ni Ibyang.
***

Kahawig si Alden:No comment – Arjo

Kay Arjo pa rin, showing nga­yong araw na ito, April 10, ang move nila ni Jessy Mendiola na “Stranded” at thankful siya sa mga nagsasabing may kilig factor din sila ng aktres.

Hindi ba nagselos sa kanya ang boyfriend ni Jessy na si Luis Mazano?
“Hindi po,” ang mabilis na sagot ni Arjo.

Nahingan ng reaksyon ang aktor sa mga nakapanood sa premiere night ng “Stran­ded” na may mga anggulo na kahawig niya si Alden Richards at napangiti na lang ang aktor.

“No comment po,” sey niya.

Of course, si Alden ay ka-love team ng lady love niyang si Maine Mendoza.

Matipid din ang aktor kapag tinatanong tungkol kay Maine at puro “no comment” din ang sagot niya.

Hiningan din namin ng reaksyon si Arjo sa post ng ex-girlfriend niyang si Sammie Rimando na “I’m happy for you but I’m happier” at “no comment” din ang kanyang sagot.

Pero happier din ba siya?

“No comment po. Sa thanksgiving na lang po muna tayo,” sabi ng aktor.

Nagkatawanan na lang ang press dahil sa napakaraming “no comment’ na sagot ni Arjo.