Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tunay na palaban

0 114

Habang papalapit ang araw na muli na naman tayong papasok sa mga presinto para bumoto ay mas nakikita kung sino sa mga dati nang politiko at mga gustong pasukin ang politika, ang tunay na may prinsipyo.

Tulad na lang ng mga kasamahan ni independent presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson na pinatunayang simula umpisa hanggang dulo ay magkakasama silang magsusulong ng plataporma at uri ng politika na ang hangad ay pagbabago sa bansa.

Nito lang Biyernes, ipinakita ni Lacson at running mate niya na si vice presidentiable Vicente ‘Tito’ Sotto III na nananatiling solid ang kanilang team nang sabay-sabay silang dumalaw at nangampanya sa Antipolo City sa probinsya ng Rizal.

Kasama ng Lacson-Sotto tandem ang kanilang mga senatorial candidate na sina public health advocate Dra. Minguita Padilla, retired Gen. Guillermo Eleazar, at dating Agriculture Secretary Emmanuel ‘Manny’ Piñol—ang tatlong senador na hindi nang-iwan kay Lacson kahit pa nagdesisyon siyang maging independent candidate.

Hindi man sila palaging nakikitang magkakasama sa pangangampanya ni Lacson, buo ang kumpiyansa at pagsuporta nina Padilla, Eleazar at Piñol kay Lacson sa kanyang kandidatura para maging susunod na pangulo.

Doon nga sa naging event sa Rizal na pinangunahan ng campaign manager ni Lacson na si dating Congressman Romeo Acop, klarong nilatag ng tatlong senatoriable ang dahilan kung bakit nila ginustong tumakbo para sa Senado at kanilang rason sa pananatili sa team ni Lacson.

SM food to go Banner Ad

Pare-parehong tumakbo sina Padilla, Eleazar at Piñol bilang senador sa ilalim ng Lacson-Sotto tandem dahil sa paniniwala nila sa kakayahan, katapatan, at katapangan ng dalawang batikang senador sa pagsugpo sa katiwalian at iba pang problema ng bansa.

Pinakanagustuhan ko itong sinabi ni ex-secretary Piñol, “Kumbaga, sa boksingero, ito ang pinaka-beteranong boksingero. Walang kaba, sigurado ang fighting style, isa lang ang consistent—labanan ang korapsyon, ayusin ang gobyerno para magiging maayos ang buhay ninyo.”

Kahit sino at saan man humarap ang tatlong senatoriable na ito, naninindigan sila sa kanilang sinumpaang pagsasama-sama hanggang dulo, pero higit dito talagang kapag si Piñol ang nagsalita sa entablado, ramdam mo ang pagdidiin niya sa pag-endorso kina Lacson at Sotto.

Bukod sa numero niya sa balota na number 52, laging bukambibig ng batikan din sa public service na si Piñol ang numero singko-nuebe. Number 5 para kay Lacson at 9 naman para kay Sotto na saktong petsa din sa Mayo 9 o araw ng eleksyon.

Para naman kina Padilla at Eleazar, una na nilang sinabi na kahit may natatanggap silang imbitasyon mula sa ibang kampo, nananatiling si Lacson ang susuportahan nila sa pagkapresidente dahil siya rin ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang ipagpatuloy sa Senado ang kanilang mga sinusulong na adbokasiya.

Kaya ano pa hinihintay niyo? Ping Lacson at katropa na tayo sa a-nuwebe ng Mayo para ‘di magoyo! ###

Leave A Reply

Your email address will not be published.