Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tunay winagayway LGBTQ flag

0 240

Walang keber na winagayway ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Maria Carmela ‘Mela’ Tunay ang ‘rainbow flag’ o LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender at queer o questioning) community flag ngayong ipinagdiriwang ang pride month.

Bilang miyembro ng LGBTQ, kasamang binandera ng 25-anyos, may taas na 5-7, tubong Mandaluyong pero residente na ng Makati at kakaretiro lang nitong May 18, ang nasabing watawat at ipinagsigawan ang kanilang mga karapatan.

“Loud and proud!,” sigaw Huwebes ng former University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star din mula sa Universioty of Santo Tomas Tigresses.

SM food to go Banner Ad

“Happy pride, mga mahal! We are worthy! Don’t let other people tell you otherwise,” hirit pa niya.

Kilala ang dalagang dating balibolista bilang supporter ng nasabing grupo. Katunayan, ‘in-a-relationship’ siya sa volleyball partner na si Kim Fajardo. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.