Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tupada tutugisin ng PNP

0 121

Inutusan ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang lahat ng mga police commander na paigtingin ang kanilang paghahanap sa mga iligal na sabong at iba pang uri ng sugal sa gitna ng community quarantine.

Ito’y matapos na maaresto ang nasa 14 katao sa Alitagtag, Batangas dahil sa sabong. Kasama pa sa mga nahuli ay isang konsehal, barangay captain at dating vice mayor.

SM food to go Banner Ad

“Ilegal na nga ang ganitong gawain parang binabastos pa nila ang ating gobyerno na walang tigil na nagtratrabaho at naghahanap ng sapat na pondo para lang sa proteksyon nila at ng kanilang pamilya laban sa COVID. Kailangang matigil ito at bigyan ng leksyon ang mga taong ito,” saad ni Eleazar.

“We encourage our commanders to continue reaching out to the community because every person in the barangay plays a key role in the security and safety of every community,” aniya pa.

Hindi pa pinapayagan ng gobyerno ang pagsasagawa ng sabong sa kahit anong area na nasa ilalim ng community quarantine. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.