Abante Tonite Interactive

Tuparin ang pangarap

By
125

Dear Kuya Rom,

Nagkakilala kami online sa Internet. Talagang nakaka-in love siya. Sinagot ko siya after 4 months na nanligaw siya sa akin. Parehas kaming may matatag na trabahong nangangailangan ng mahabang oras.

Dahil dito, bihira kaming nagkikita. Kahit ganito kami, tumagal nang 6 years ang aming relasyon. Marami nang nangyari sa amin. We are both 36 years old at gusto ko sanang pakasal na kami. Pero hindi pa siya nagpo-propose.

Buhay binata pa rin siya. Lagi sumasama sa kanyang barkada. Laging may mga lakad silang for the boys.

May kaibigan siyang anak-mayaman na may speedboat at lagi silang nasa dagat tuwing weekend. Madalas silang maglaro ng poker. Isinasama siya sa bakasyon sa ibang bansa.

Kapag may oras siya para magkita kami at mag-dinner kami sa labas, kasama pa rin niya ang barkada niya.

Pagod na ako sa sosyalang ganito, kaya tinanong ko siya tungkol sa kung ano ang plano niya sa amin. Kailan ang engagement namin? Kailan kami magpaplano ng kasal?

Kailan kami magkakaroon ng sari­ling pamilya? Ang sabi ko sa kanya, magiging maligaya ako kapag nangyari ang mga ito for the next 2 years.

Paliwanag ko sa kanya, kapag-engaged na kami o mag-asawa na kami, hindi ko aalisin sa kanya ang barkada niya, kung ito ang kinakatakutan niya. Hindi siya makapagsalita.

Ngumiti lang siya at sinabing engagement ring ang gusto ko. Tapos, iniba niya ang usapan.

Tapos, after 2 weeks, may sopresa siya sa akin.

Naka­bili raw siya ng murang cruise trip para sa ­aming da­lawa. Para bang inaaliw niya ako para kalimutan kong pag-usapan namin ang kasal. Sabi niya, masarap ang buhay namin ngayon, kaya huwag naming baguhin ito ng biglaan.

Umiyak ako. Just call me Ursula. Patuloy ba akong maghihintay sa kanya?

Maghanap na lang ba ako ng ibang lalaki na may pusong tuparin ang aking pangarap na magkapamilya?

Nagsasayang ba ako ng oras sa pananatili sa relasyong ito kasama ang lalaking parang batang puro laro ang nasa isip?

I’m really frustrated. Hope to receive a little advice from you. Thanks a lot and more power!  — Ursula

Dear Ursula, 

Sadyang nakakapagod ang relasyon ng dalawang­ pusong magkaiba ang pangarap, plano at pananaw.

Anim na taong binigyan mo siya ng layang gawin ang mga bagay na nagbibigay ligaya sa kanya, kaya hindi mo siya maaasahang biglaang ihinto niya ang mga ito at agad na pagtuunan ang kasal at pagpapamilya.

Maaaring talagang mahal ninyo ang isa’t isa at nagkaroon kayo ng tunay na masasayang sandali, kaya dumaan ang mga taon at nalimutan ninyo ang magsuri.

Suriin mo ang iyong sarili ngayon. Ito ba talaga ang lala­king gusto mong makasama magpakailanman? Makakasundo mo ba siya sa maraming bagay na mahalaga sa relasyon ng mag-asawa? Ito ba ang taong gusto mong maging ama ng iyong mga anak?

Mabuting mag-usap kayo, hindi tungkol sa engagement ring, kung ‘di para magsuri kayo. Tiyakin sa inyong isip at puso ang lahat.

Ang pagkakaiba ba ninyo ng plano at pananaw ay magiging sagabal sa inyong pagmamahalan o hindi? Mahal ba ninyo talaga ang isa’t isa? Parehas ba ninyong gustong magsama habang buhay?

Ang bunga ng puso sa pusong pag-uusap ninyo ay magbibigay sa iyo ng liwanag.

Manalangin ka at mula rito, ikaw ay magdesisyon. God bless you!Ang bunga ng puso sa pusong pag-uusap ninyo ay magbibigay sa iyo ng liwanag. Manalangin ka at mula rito, ikaw ay magdesisyon. God bless you!

Payong kapatid,

Kuya Rom