Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Turismo babangon sa pinaluwag na biyahe – Sec Berna

0 106

Malaking bagay para sa Department of Tourism (DOT) na niluwagan ang pagbiyahe sa buong bansa kung saan isang travel protocol na lamang ang ipatutupad sa lahat ng lugar.

Para kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, makatutulong ito para sa turismo dahil maraming kababayan ang puwedeng bumiyahe na hindi ganun karami ang protocol.

“Excited kami na magsa-summer na at `yong protocols hindi ganun karami, uniform na at ‘di na masyadong hassle. Eksakto lang, tapos magsa-summer na at meron pa tayong tinatawag na revenge tourism, gustong-gusto nang mag-travel ng ating mga kababayan,” sabi ni Puyat sa panayam sa radyo nitong Sabado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, maging ang mga lokal na pamahalaan ay gusto na rin mabuksan ang turismo sa kanilang mga lugar.

Sa inaprubahang bagong travel protocol ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ay hindi na obligado ang mga turistang Pinoy na sumailalim sa COVID-19 test at quarantine.

Subalit maaaring magpatupad pa rin ng sariling protocol ang mga pamahalaang lokal na pupuntahan ng turista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.