Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Turismo sagot sa pagbangon ng ekonomiya

0 238

Ang pagpapasigla sa turismo ang nakikikitang paraan ng mga opisyal ng General Tiñio, Nueva Ecija upang makabangon ang ekonomiya sa epekto ng pandemyang COVID 19.

Bagama’t hanggang sa ngayon ay COVID free pa rin ang first class municipality na ito sa southeastern part ng probinsiya ay ayaw pakampante ni Mayor Isidro T. Pajarillaga sa nasasakupang 13 barangay.

Tuloy tuloy umano ang pagpapatupad ng minimum health protocols lalo na sa mangilan ngilang pinapayagang makarating sa Minalungao Heritage Park.

Naniniwala si Police Captain Gregorio Bautista na kapag natapos na ang mga community quarantine at napairal na ang new normal ay muling sisigla ang turismo sa General Tiñio.

Leave A Reply

Your email address will not be published.